Pinoy sa Japan na nagpositibo sa COVID-19, umakyat na sa 27

MANILA, Philippines — Nasa 27 Pinoy na sakay ng Diamond Princess cruise ship na nakadaong sa Yokohama, Japan ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang inihayag noong Linggo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 16 na Pinoy na pawang crew members ng cruise ship ang  nadagdag sa nagpositibo sa virus.

Tiniyak ng Philippine embassy sa Tokyo na nakikipag-koordinasyon sila sa kinauukulang ahensiya ng Japan at mga kinatawan ng World Health Organization at Diamond Princess para matiyak ang kapakanan ng mga natitirang Pinoy na sakay ng barko.

Simula noong Pebrero 4 ay inilagay sa quarantine ang barko matapos makumpirma na isang dating pasahero ang positibo sa COVID-19.

Ang mga pasyente ay dinala sa mga ospital sa Japan, samantalang ang mga walang sintomas na mga Amerikano ay ililikas ng kanilang gobyerno.

Umabot na sa 356 ang kabuuang bilang ng mga pasahero ng nasabing barko ang tinamaan ng COVID-19 kasama ang 27 Pinoy.

Show comments