Ayon sa Taizhou government sa Zhejiang ang gamot na Favilavir, na dati ang pangalan ay Fapilavir, ay maituturing umano na epektibo bilang antiviral ay aprubado na para ibenta sa merkado.
AFP
Kauna-unahang gamot laban sa COVID-19, inaprubahan na sa China
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - February 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inanunsyo ngayon ng Zhejiang province sa China na inaprubahan na ang kauna-unahang gamot na makakatulong umano sa mga pasyente laban sa deadly virus na novel coronavirus.

Ayon sa Taizhou government sa Zhejiang ang gamot na Favilavir, na dati ang pangalan ay Fapilavir, ay maituturing umano na epektibo bilang antiviral ay aprubado na para ibenta sa merkado.

Ang naturang gamot ay na-develope ng Zhejiang Hisun Pharmaceutical Company bilang unang anti-novel coronavirus drug na puwede nang ibenta ng National Medical Products Administration mula nang magkaroon ng outbreak noong buwan ng Disyembre.

Ang Zhejiang province ay merong kaso ng mga pasyente na umaabot na sa 1,167.

Iniulat naman ng Ministry of Science and Technology ang Favilavir ay isa sa tatlong gamot na nagpapakita ng pagiging epektibo sa paggamot sa novel coronavirus matapos ang isinagawang mga clinical trials.

Samantala, umakyat na ang bilang ng mga nasawi dahil sa Coronavirus Disease sa 1,770 habang mahigit naman sa 71,000 ang nagkasakit sa iba’t ibang panig ng mundo.

NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with