Mag-asawa sumemplang sa motor: Misis dedo

MANILA, Philippines — Patay ang isang backrider na misis habang sugatan naman ang kanyang mister matapos sumemplang ang sinasakyan nilang motor sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Brgy. South Villazar, Sipocot, Camarines Sur, kamakalawa ng hapon.

Dead-on-arrival sa Sipocot District Hospital ang ginang na si Josefina Descayno Rebanal, 57-anyos; habang patuloy na ginagamot ang mister na si Elmer Namia Rebanal, 59-anyos; pawang residente ng Purok-8, Brgy. Baybay sa bayan ng Malinao, Albay.

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon habang pauwi ang mag-asawa sa Albay lulan ng motorsiklo (7204-EB) na minamaneho ni Elmer nang pagsapit sa nasabing lugar ay nawalan ng kontrol at sumemplang.

Sa bilis nang takbo ay tumilapon ang mag-asawa dahilan para humataw ang kanilang katawan sa sementadong kalsada.

Show comments