Drug bust: 4 pusher todas
Joy Cantos (Pang-masa) - January 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang apat na drug pushers sa magkakahiwalay na drug buy-bust operation sa lalawigan ng Cavite at Batangas kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling araw.

Ang mga napatay na suspek ay kinilalang sina Louie Mendoza; Richard de Guzman; alyas Mcdo; at alyas Bong.

Sa Brgy. Banaba, Pad­re Garcia, Batangas ay nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis, ala-1:15 ng madaling araw laban kina Mendoza at De Guzman.

Kasalukuyang isinasagawa ang transaksyon nang makatunog ang mga ito na mga pulis ang kanilang ka-deal kaya’t bumunot  ng baril at pinaputukan ang mga operatiba na hindi tinamaan.

Gumanti ng putok ang mga pulis at sa kasagsagan ng palitan ng putok ay magkakasunod na tumimbuwang ang dalawa at nasamsam ang 6 plastic na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 250 gramo at nagkakahalaga ng P1.7-M; P350,000 pekeng buy bust money, isang cal. 38 revolver at mga drug paraphernalia.

Alas-11:30 naman ng gabi nang mauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation sa Summerwind Drive, Brgy. Burol-Main, Dasmariñas, Cavite laban sa mga suspect na sina alyas Mcdo at alyas Bong na nakahalata na pulis ang katransaksiyon. 

Kaya’t mabilis na bumunot ng baril at nagpaputok na nauwi sa bakbakan ng magkabilang panig na ikinasawi ng mga ito.

LOUIE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with