^

Police Metro

Pinay sa Hong Kong inilagay sa quarantine

Pang-masa

Na-expose sa 2 bisita ng amo na positibo sa coronavirus...  

MANILA, Philippines — Isinailalim sa quarantine ang isang Pinay domestic helper sa Hong Kong matapos na ma-expose sa dalawang bisita ng kanyang amo na positibo sa coronavirus.

Ito ang inihayag ng kahapon ng Philippine Consulate sa Hong Kong.

Subalit, sinabi ng consulado na walang nakikita na anumang palatandaan na ang Pinay ay mayroon nang impeksyon ng nasabing sakit at nasa malusog itong pangangatawan.

Siniguro naman ng PCG (Philippine Consu­late General) na sila ay laging makikipag ugna­yan sa HK Department of Health at imomonitor ang kondisyon at mabigyan ng tulong kung kinakailangan ang Pinay.

Umaasa ang konsulado na ang Pinay ay mananatiling malusog at makalabas na sa qua­rantine.

Batay sa Philippine consulate na nasa 238,000 Filipino ang nasa Hong Kong simula pa noong October 2019 at ang 219,000 naman ay domestic workers at nasa 20,000 ay mga residente na.

Pansamantalang isi­nara ang sikat na amusement parks na Disneyland at Ocean Park upang maiwasan ang pagkalat ng bagong strain ng virus na nagmula sa Wuhan, China noong nakalipas na buwan.

vuukle comment

CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with