2 pang Taal evacuees sa Batangas, namatay
Sa ulat, bandang alas -3:00 ng hapon nang matanggap ng pulisya ang ulat hinggil sa pagkamatay ni Dalisay sa Batangas Medical Center matapos itong isugod sa nasabing pagamutan noong Enero 19 sanhi ng anemia secondary to upper gastro intestinal bleeding.
Ted Aljibe/AFP
2 pang Taal evacuees sa Batangas, namatay
Joy Cantos (Pang-masa) - January 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat ng evacuees sa Batangas ang nasasawi matapos dalawa pa ang namatay nitong Miyerkules nang lumala ang kondis­yon ng kanilang taglay na karamdaman sanhi ng pagputok ng Bulkang Taal.

Kinilala ang bagong mga nasawi na sina Vivenca Dalisay at Elmer Salvia.

Sa ulat, bandang alas -3:00 ng hapon nang matanggap ng pulisya ang ulat hinggil sa pagkamatay ni Dalisay sa Batangas Medical Center matapos itong isugod sa nasabing pagamutan noong Enero 19 sanhi ng anemia secondary to upper gastro intestinal bleeding.

Habang si Salvia ay isinugod sa St. Frances Cabrini Medical Center sanhi ng stroke na binawian ng buhay noong Enero 22, dakong alas -12:00 ng tanghali habang ginagamot.

Nabatid na lumala ang kondisyon ng dalawang biktima habang nasa evacuation center Unang nasawi nitong nakalipas na linggo ang dalawang babaeng evacuees na sina Felina de Roxas, 57 ng San Nicolas, Batangas dahil sa atake sa puso at Violeta Reyes, 84 ng San Pascual Batangas dahil sa tuberculosis.

BULKANG TAAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with