3 sekyu arestado sa pagnanakaw ng relief goods
Joy Cantos (Pang-masa) - January 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong sekyu na nagsilbing bantay salakay ang inaresto matapos maaktuhang kinukulimbat ang mga binabantayang relief goods ng  mga evacuees ng Taal volcano sa eva­cuation center sa Batangas City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga suspect na sina Junel Romano, 21, residente ng Calicanto, Batangas City; Johnson Rey Manimtim, 29 at Junito Mañabo, 32, naninirahan sa Brgy. Tingga Labac sa Batangas City.

Sa ulat, alas-6:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa evacua­tion center sa Batangas Sports Complex, Brgy. Sta Rita ng nasabing siyudad ng maaktuhan ang tatlong suspek na kinukulimbat ang dalawang kahon o 127 piraso ng instant noodles na nagkakahalaga ng P1,905 piso na isinilid sa isang kahon, 19 piraso ng Nissin cup noodles na nagkakahalaga ng P475.00; 74 piraso ng mga sardinas na P1,628.00; 12 plastic bags ng bigas na nagkakahalaga ng P1,320.00 at 15 piraso ng mga damit.Ang tatlong suspek ay kinasuhan ng qualified theft.

RELIEF GOODS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with