Motorcycle taxis huhulihin na

Isa sa tinitingnan ng LTFRB ay kung ligtas ang mga pasahero sa pagsakay sa motorsiklo bilang isang pampasaherong sasakyan.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Maaari nang hulihin at i-impound sa susunod na linggo ang mga motorcycle taxi tulad ng Angkas at Joy Ride.

Ito ang sinabi ni Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) board member Antonio Gardiola Jr, head ng technical working group (TWG) dahil hindi pa sila nakakadesisyon kung nararapat  bang gamiting pampasahero ang motorsiklo .

Isa sa tinitingnan ng LTFRB ay kung ligtas ang mga pasahero sa pagsakay sa motorsiklo bilang isang pampasaherong sasakyan.  

Irerekomenda na rin ng LTFRB ang pag-terminate sa pilot study ng motorcycle taxis dahil hindi sila makakalap ng mga impormasyon para makabuo ng desisyon dahil sa mga legal impediments.

Sa kasalukuyan may 70,000 bilang ang motorcycle taxi na Angkas na ginawang P10,000 na lamang para ma-accomodate ng ibang players tulad ng Joy Ride.

Show comments