Sa report na ipinalabas ni Central Luzon Police Director Brig. General Rhodel Sermonia, kinum­piska ang tiglimang linya ng cigarette maker at packing machine, dalawang grinders, isang filter maker at maraming kaha para sa mga pinekeng branded na sigarilyo na may kabuuang isang bilyong piso ang halaga.
File
124 Pinoy, 29 Chinese timbog sa pagawaan ng pekeng sigarilyo
Raymund Catindig, Gemma Garcia (Pang-masa) - January 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinatayang 153 katao kabilang ang 29 undocumented Chinese nationals ang naaresto ng mga otoridad nang salakayin ang pagawaan ng pekeng branded ng sigarilyo kamakalawa sa Brgy. Sinipit, Cabiao, Nueva Ecija.

Sa report na ipinalabas ni Central Luzon Police Director Brig. General Rhodel Sermonia, kinum­piska ang tiglimang linya ng cigarette maker at packing machine, dalawang grinders, isang filter maker at maraming kaha para sa mga pinekeng branded na sigarilyo na may kabuuang isang bilyong piso ang halaga.

Ang mga inaresto ay kinasuhan ng paglabag sa intellectual property rights habang isinailalim din sa pagsisiyasat ng Bureau of Immigration ang mga Chinese na nagpapatakbo sa pabrika.

Matatandaan na natimbog ng mga otoridad ang ilang Chinese nationals sa Cauayan City, Isabela na may balak magtayo ng kaparehong pabrika noong nakaraang taon na hindi nakasuhan dahil hindi pa naman nagsimulang mag-operate ang pabrika.

UNDOCUMENTED CHINESE NATIONALS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with