^

Police Metro

‘Senior’, 2 pa tiklo sa extortion

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang senior citizen at dalawa nitong kasamahan matapos itong ireklamo ng robbery extortion at masakote sa isinagawang entrapment operation sa lungsod Quezon kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nasakoteng suspect na sina Raymund Pastor, 60-anyos; Calvin Osateres, 28 at Mar Trajano, 49; pawang mga resdidente ng Brgy. Quirino 2-A, Project 2, ng nasabing siyudad.

Ang mga suspek ay inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa aktong tinatanggap ang P 6,000 marked money sa entrapment operation sa kahabaan ng Central Avenue, Brgy. New Era, Quezon City bandang alas -5:00 ng hapon.

Inaresto ang mga suspek sa reklamo ng negosyanteng si Milton Ngu, 48, ng Paco, Manila matapos itong makatanggap ng tawag sa telepono mula sa isang nagpakilalang “Joel Rivera” na humihingi ng P 650,000.00 at kung hindi ay kikidnapin ng kanilang grupo ang nasabing target.

Dito na dumulog ang biktima sa mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD kung saan agad namang ikinasa ang operasyon laban sa mga suspek na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga ito

Nabawi naman sa mga suspek ang P 6,000 marked money sa nasabing operasyon.

vuukle comment

EXTORTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with