^

Police Metro

2 drug pusher timbog sa P136-M shabu

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pang-masa
2 drug pusher timbog sa P136-M shabu
Sa ulat ni P/Major Ma. Luis Calubaquib, ta­gapagsalita ng Camp Gen.Simeon Ola, alas-10:00 ng umaga nang inilatag ng pinagsanib na puwersa ng PDEA, PNP Maritime Group, 2nd Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Branch, Matnog Police at Sorsogon Provincial Police Office ng isang buy-bust operation.
File

MANILA, Philippines — Umaabot sa 20 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P136 milyon ang nasamsam ng mga pulis at tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang bigtime drug pushers sa Matnog Port, Brgy. Caloocan, Matnog, Sorsogon kahapon ng umaga.

Ang dalawang naaresto ay kinilalang sina Irish Dela Peña at Jose Lani “Dong” Racaza, pawang nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.

Sa ulat ni P/Major Ma. Luis Calubaquib, ta­gapagsalita ng Camp Gen.Simeon Ola, alas-10:00 ng umaga nang inilatag ng pinagsanib na puwersa ng PDEA, PNP Maritime Group, 2nd Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Branch, Matnog Police at Sorsogon Provincial Police Office ng isang buy-bust operation.

Nang iniabot ng mga suspek ang biniling droga sa poseur buyer ay agad silang inaresto ng mga nakatagong operatiba.

Nabawi mula sa mga suspek ang isang kulay gray na luggage na may lamang dalawampung malalaking tea bag ng shabu na may timbang na isang kilo bawat isa.

Ang dalawang suspek ay nakatakdang sampahan ngayong araw ng kasong paglabag sa Republic Act 9165.

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with