Indonesian na bihag ng Abu, nasagip

MANILA, Philippines — Isang Indonesian na si Muhammad Farhan ang huling bihag ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang nasagip sa isinagawang operasyon sa Brgy. Bato-Bato, Indanan, Sulu, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, alas-6:45 ng gabi nang masagip ng mga elemento ng Joint Task Force (JTF) Sulu si Farhan sa mga bandido.

Nabatid na nakatulong ng malaki ang mga sibilyang residente sa lugar matapos iulat ang presensya ng mga kidnaper tangay si Farhan at napilitan ang mga bandido na abandonahin ang bihag dahil sa matinding military pressure.

Ang nasagip na bihag ay dinala na sa Kuta He­neral Teodulfo Bautista Station Hospital kung saan isinailalim ito sa medical examination.

Show comments