Sa ulat, alas-10:00 ng umaga ay nagsasagawa ng pagmamanman sa napaulat na talamak na bentahan ng droga sa lugar ang mga miyembro ng Sulu PDEU sa pamumuno ni Salim.
File
Hepe ng drug unit at asset itinumba ng sindikato
Joy Cantos (Pang-masa) - January 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang isang pulis opisyal at kasamang civilian asset makaraang pagbabarilin ng siyam na pinaghihinalaang miyembro ng isang sindikato ng droga habang nagmamanman ang mga ito sa galaw ng sindikato sa Brgy. Tagbak, Indanan, Sulu kamakalawa ng umaga.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Police Lt. Sali Aspi Salim, Chief ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Sulu Police at sibilyang asset na si alyas Jipon.

Nasugatan naman ang isang PDEU personnels matapos habulin nito ang mga umatakeng armadong suspect.

Sa ulat, alas-10:00 ng umaga ay nagsasagawa ng pagmamanman sa napaulat na talamak na bentahan ng droga sa lugar ang mga miyembro ng Sulu PDEU sa pamumuno ni Salim.

Subalit, nakahalata umano ang mga suspek kung kaya’t agad silang pinaputukan ng siyam na suspect kung saan nasapul sa tama ng bala sina Salim at Jipon. 

PAGBABARILIN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with