Kinilala ni PNP-AKG Spokesman Police Lt. Col. Jowel Saliba ang mga nasagip na bihag na sina Mao Lina alyas Wu You, 19, lalaki at Zhu Yong Jun Xiao Jun, 20, babae; pawang online casino worker na pansamantalang naninirahan sa Francisco Street, Alabang, Muntinlupa City at mga tubong Hunan, China.
File
Pinoy tiklo sa pagkidnap sa 2 Chinese
Joy Cantos (Pang-masa) - December 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga otoridad ang isang Pinoy na kumidnap sa dalawang Chinese sa isinagawang rescue operation sa Brgy. Almanza Dos, Las Piñas City, kamakailan.

Kinilala ni PNP-AKG Spokesman Police Lt. Col. Jowel Saliba ang mga nasagip na bihag na sina Mao Lina alyas Wu You, 19, lalaki at Zhu Yong Jun Xiao Jun, 20, babae; pawang online casino worker na pansamantalang naninirahan sa Francisco Street, Alabang, Muntinlupa City at mga tubong Hunan, China.

Ang naarestong sus­pek ay kinilalang si Sa­turnino Matias Jr., 37, ng Brgy. Lipay, Villasis, Pangasinan.

Sa ulat, alas-5:50 ng hapon kamakailan nang isagawa ang rescue ope­ration sa Room 310, 3rd Floor sa Jasmin Buil­ding sa Almanza Dos sa lungsod ng Las Piñas.

Ayon sa dalawang biktima nasa apartment sila ng isa nilang kaibigang kapwa Chinese sa Makati City nang dumating ang pitong katao kabilang ang dalawang Pinoy na nagpakila­lang mga pulis at isang Michael Chan noong Nobyembre 26, 2019 na kung saan ay inakusahan ang dalawang biktima ni Chan na nagnakaw ng P1.2-M halaga sa kanilang kumpanya.

Ang dalawang biktima ay ikinulong sa Police Station 1 sa Alabang sa lungsod ng Muntinlupa kung saan nakilala ng mga ito ang isa ring Chinese na si Chen Zhipeng na nakakulong sa nasabing kuwarto na binabantayan ng dalawang Pinoy.

Noong Disyembre 5, 2019 ay pinalaya si Chen Zhipeng malapit sa NAIA Terminal 2 sa Pasay City matapos na magbayad ng P29,300 ang kaniyang pamilya sa mga kidnapper.

Inireport ni Zhipeng sa mga otoridad at ibinulgar ang kaniyang sinapit  at isiniwalat na mayroon pang dalawang Chinese na pitong araw ng hawak ng mga kidnappers.

Nagsagawa ng rescue operations ang mga otoridad na nagresulta sa pagkakasagip sa dalawa pang Chinese at nasakote naman si Matias.

KIDNAPPING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with