Mahigpit na seguridad sa promulgasyon ng Maguindanao massacre case
Joy Cantos (Pang-masa) - December 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigpit ang gaga­wing seguridad ng pulisya sa magaganap na promulgasyon o paglabas ng hatol sa mga sangkot sa Maguindanao massacre sa darating na Disyembre 19.

Ito ang ipinag-utos kahapon ni Philippine National Police (PNP) Officer in Charge Police Lt. Gen.Archie Gamboa kaya’t inatasan si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Brig. Gen. Debold Sinas na higpitan ang seguridad sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Nabatid na ibababa na ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 221 ang promulgasyon sa isang dekada ng Maguindanao massacre.

Magugunita na 58 katao ang nasawi kabilang ang 32 mediamen matapos tambangan ang convoy ng sasakyan ng pamilya ni dating Maguindanao at ngayon ay Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu na magsusumite ng Certificate of Candidacy (COC) sa Ampatuan, Maguindanao noong Nob­yembre 23, 2009.

Tiniyak ni Banac na handa ang PNP na pagkalooban ng seguridad si Judge Reyes.

MAGUINDANAO MASSACRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with