Sa ulat ng Kamuning Police Station ng Quezon City Police District,dakong alas-9:40 ng gabi nang maganap ang krimen sa tapat ng Tra Vinh Express Restaurant na matatagpuan sa Scout Reyes St., kanto ng Pa­nay Avenue.
File
Manager nanlaban sa holdap, inutas
Mer Layson (Pang-masa) - December 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang sales manager habang sugatan ang kasamang lady consultant nang sila ay barilin ng apat na holdaper na magkakaangkas sa dalawang motorsiklo,naganap kamakalawa sa Brgy. Paligsahan, Quezon City.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Marcus Christian Ong  36.

Habang nagtamo naman ng tatlong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang kasamang si Kristy Cardenas, 23, consultant at residente ng Umali St., Brgy. Mariblo, Quezon City.

Sa ulat ng Kamuning Police Station (PS-10) ng Quezon City Police District (QCPD),dakong alas-9:40 ng gabi nang maganap ang krimen sa tapat ng Tra Vinh Express Restaurant na matatagpuan sa Scout Reyes St., kanto ng Pa­nay Avenue.

Nabatid na kagagaling lang sa isang restoran ang mga biktima at pabalik na sa kanilang sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada sa Panay Avenue nang lapitan sila ng dalawang motorsiklo lulan ang apat na suspek.

Tinutukan ng mga suspek ng baril ang mga biktima sabay deklara ng holdap at hinablot ang shoulder bag ni Cardenas.

Nanlaban ang mga biktima at tumangging ibigay ang bag kaya’t sila ay pinagbabaril ng mga suspek.

Nang bumulagta ang mga biktima ay mabilis tumakas ang mga suspek lulan ng dalawang hindi naplakahang motorsiklo tangay ang shoulder bag ni Cardenas.

MARCUS CHRISTIAN ONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with