Nakita ng mga dayuhang atleta ang puso ng Pinoy na kahit kapalit nito ang siguradong pagka­panalo ng gintong medalya tulad ng nangyari sa Pinoy surfer ba si Roger Casu­gay na iniligtas ang kalaban na Indonesian surfer na si Arip Nhuridayat habang naglalaban sa isang surfing event sa Monaliza Point sa La Union.
Michael Varcas
Hosting ng Pinas sa SEAG pinuri ng mga dayuhang delegado
Gemma Garcia (Pang-masa) - December 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lubos ang pasasalamat at pinapurihan ng mga sports officials at atletang dayuhan sa pagho-host ng Pinas sa 30th SEA Games.

Nakita ng mga dayuhang atleta ang puso ng Pinoy na kahit kapalit nito ang siguradong pagka­panalo ng gintong medalya tulad ng nangyari sa Pinoy surfer ba si Roger Casu­gay na iniligtas ang kalaban na Indonesian surfer na si Arip Nhuridayat habang naglalaban sa isang surfing event sa Monaliza Point sa La Union.

Kahit na nangunguna si Casugay ay isinantabi nito ang panalo ng gintong medalya at binalikan si Arip hanggang ligtas na naibalik sa pampang.

Maging ang koponan ng Timor-Leste ay todo rin ang pasasalamat sa mga Pinoy dahil sa suporta na manalo ang koponan ng medalya sa palaro na sa pinakahuling medal tally ay hindi pa nakakasungkit ng anumang medalya sa SEA Games.

“Marami sa mga sports officials at atleta ng Timor Leste ang nakatira ng libre sa Philipine Sports Athlete’s dormitory sa Pasig.The hospitality has been amazing. Everyone has been great to us,” ayon kay taekwondo athlete Jennifer Lay.

Pinuri rin ni Thailand lawn bowl coach Daniel John Simmons ang pasilidad sa  Clark Freeport, isa sa mga venues ng lawn bowl competition na nakakabilib na isang world-class sports facility.

Namangha rin ang Malaysian official na si Abdul Kader, director general ng International Sepaktakraw Federation sa venue ng Sepak Takraw sa Subic gymnasium na tinawag niyang pinakamagandang Sepak Takraw venue sa kasaysayan ng SEA Games.

Ayon kay Benjamin Assarasakorn ng Thailand E-Sports Fede­ration, ang ‘landmark hosting’ ay dapat tularan ng ibang bansa sa Asya kung paano tatratuhin ang e-sports.

Una nang hinikayat ni Olympic Council of Asia Vice President Wei Jizhong na lumahok sa bidding ang Pinas para sa 2030 Asian Games dahil sa magandang pagho-host ng 30th SEAG.

SEA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with