Fil-Am pedophile nasakote sa Cagayan
Raymund Catindig (Pang-masa) - December 1, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng batas ang isang umano’y pedophile na Fil-American na may kaso sa Nevada, USA ng pangmo-molestiya ng paslit matapos ang 10 taong pagtatago nang matunton ito ng mga otoridad sa bahay ng isang kaanak sa Barangay Centro 9 sa lungsod na ito noong Biyernes.

Kinilala ni Lt. Colonel George Cablarda, hepe ng Tuguegarao Police Station ang nasakote na si Alvin Tan, 48, na ipinanganak at lumaki sa Amerika.

Ayon kay Cablarda si Tan ay may bench warrant of arrest na ipinalabas ng Second Judicial Court of the State of Nevada, in and for the County of Washoe noon pang Nob. 25, 2008 sa kasong Sexual assault on a child and Lewdness with a child under the age of fourteen years.

Ipinasakamay ng pulisya si Tan sa operatiba ng Bureau of Immigration upang ibiyahe sa Camp Bagong Diwa para sa kanyang extradition sa US upang harapin ang kanyang kaso.

PEDOPHILE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with