Pulis-NCRPO bawal mag-vape

Nasa 10 violators ang inisyal na nahuli sa Metro Manila partikular sa Sta. Cruz at Malate, Maynila at Makati City.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng kautusan si National Capital Re­gional Police Office (NCRPO) acting Director, P/BGen Debold Sinas sa mga pulis-Metro Manila na pagbabawal sa paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar upang magsilbing ehemplo sa taumbayan.

Hindi lang mga pulis na nasa labas ang sakop ng kautusan kundi ma­ging ang nasa loob ng  NCRPO Headquarters sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City; mga District Offices, Police Station at mga Community Precincts.

Nasa 10 violators ang inisyal na nahuli sa Metro Manila partikular sa Sta. Cruz at Malate, Maynila at Makati City.

Tiniyak din ng he­neral na lahat ng vape na makukumpiska ay ma­ayos na maire-record at idi-dispose sa tamang paraan.

Show comments