Mag-amang lasing nagtalo, nagpatayan
Rhoderick Beñez (Pang-masa) - November 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Nauwi sa patayan ang pagtatalo ng isang mag-ama na kapwa lasing na­ganap kamakalawa sa Purok Sto. Niño, Brgy. BS Aquino, Norala, South Co­tabato.

Ang mag-amang kapwa nasawi ay kinilalang sina Isagani Futulan, 56 at Angelo, 30, binata, jobless at kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Sa pagsisiyasat ng pu­lisya, bago nangyari ang krimen, alas-5:40 ng ha­pon ay kapwa lasing na ang mag-ama nang maungkat ang isang hindi pa masabing bagay na pinagmulan ng mainitang pagtatalo ng mag-ama.

Sa gitna ng pagtatalo ay kumuha ng itak ang anak at pinagtataga nito ang ama na kahit may mga tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nagawang makuha ang kanyang shotgun at pinutukan ang anak na namatay noon din.

Nagawa pang madala sa ospital ang ama at habang nilalapatan ng lunas ay nalagutan din ito ng hininga.

Narekober ng mga pulis sa crime scene ang itak at 12 gauge shot gun na ginamit sa krimen.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with