^

Police Metro

Lolo kulong sa indiscriminate firing

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng isang 60-anyos na lolo matapos na walang habas na magpaputok ng baril sa kanilang lugar sa Brgy. Ibaba West, Calapan City, Oriental Min­doro kamakalawa.

Kinilala ni MIMAROPA Police Spokesman Police Lt. Colonel Socrates Faltado ang nasakoteng suspek na si  Simon Rayos, may asawa at residente sa lugar.

Base sa imbestigasyon, naganap ang insidente bandang alas-10:10 ng gabi sa nabangtit na barangay ng lungsod.

Ayon sa pahayag ng mga kapitbahay ng pasaway na lolo, nagulantang na lamang sila sa indiscriminate firing ng suspek na nangugulo pa sa mga residente.

Agad namang nagresponde ang mga operatiba ng Calapan City Police matapos na makarating sa kanila ang report at dito’y naaktuhan ang matanda sa indiscriminate firing.

Arestado naman ang matanda na nakumpiskahan ng isang cal. 45 pistol na kargado ng mga bala.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang na­sabing suspek.

vuukle comment

INDISCRIMINATE FIRING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with