^

Police Metro

Gun ban paiiralin sa 30th SEA Games

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang 25 araw na gun ban upang matiyak ang seguridad kaugnay ng gaganaping ika-30th Southeast Asian Games sa bansa.

Base sa ibinabang memorandum ni PNP officer-in-charge (OIC) Police Lt. Gen. Archie Gamboa sa Regional Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO), CALABARZON,  Region IV-A at Central Luzon Police at maging sa buong lalawigan ng La Union  ay suspendido muna ang lahat ng Permit To Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR).

Ang 25 araw na gun ban ay epektibong ipatutupad mula Nobyembre 20 (Miyerkules) at tatagal hanggang Disyembre 14 ng taong ito.

Sa mga nabanggit na rehiyon ay gaganapin ang ika-30 SEA Games na iho-host ng bansa .

Sinabi ni Gamboa na ang hakbang ay bahagi ng pinaigting na segu­ridad upang tiyakin na hindi mababahiran ng anumang karahasan ang nasabing makasaysayang event upang bigyang proteksyon ang mamayan, at maging ang mga lokal at dayuhang mga atleta.

Ang PNP ay magdedeploy ng kabuuang 27, 440 tauhan sa mga venue na pagdarausan ng SEA Games habang ang iba naman ay ipakakalat sa mga billeting area at mga daraanan ng mga delegado gayundin ng mga manlalarong lokal at dayuhan.

Samantalang nasa 8,000 namang pulis ang ipakakalat ng NCRPO na magtataas na sa full alert status para matiyak ang seguridad sa SEA Games sa darating na Nobyembre 25.

vuukle comment

GUN BAN

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with