Ayon sa ipinadalang ulat ng Iloilo City Fire Marshall Chief Inspector Christophe Regencia sa DOE na bulto ng kanilang resources para sa sunog ay napupunta sa PECO dahil sa mga aberya.
BFP: 1,464 sunog sa Iloilo sanhi ng poste ng PECO
(Pang-masa) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iniulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) na sa 2,887 na naitalang sunog sa Iloilo City, simula 2014 ay 1,464 dito ay mula sa poste ng distribution utility na Panay Electric Company (PECO).

Ang nasabing datos ay isinumite ng BFP sa Energy­ Regulatory Commission (ERC) kasunod na rin ng panibagong serye ng sunog sa mga poste ng PECO na naitala noong Oktubre 19 hanggang 21 na una nang inireklamo sa ahensya at kasalukuyan na nitong iniimbestigahan.

Sinabi pa ng BFP, hindi nasosolusyunan ang problema sa pagkasunog ng mga poste ng PECO sa nakalipas na 5 taon dahil na rin sa kawalan ng kumpanya ng mga trained na technical personnel na agad na makapagsasagawa ng trouble shoot sakaling may aberya sa mga poste at lumilitaw na tanging na­ngangasiwa dito ay mga personnel na ang ginagawa ay monitoring at nagdodukumento ng mga kaso.

Ayon sa ipinadalang ulat ng Iloilo City Fire Marshall Chief Inspector Christophe Regencia sa DOE na bulto ng kanilang resources para sa sunog ay napupunta sa PECO dahil sa mga aberya.

Hindi katulad sa Cagayan de Oro, ang distrbution utility dito ay may sariling fire prevention and containment unit na naka­tutok sa pole fires.

Sa panig naman ng PECO, ay sinabi na kaila­ngan na magkaroon muna ng final technical assessment para matukoy kung sila talaga ang pinagmumulan ng sunog sa mga electric poles gayong may iba pang mga kable ang nakadikit sa mga poste gaya ng telecommunications at cable TV companies.

Kinontra ni Regen­cia ang inihayag ng PECO sa pagsasabing mas matitibay ang mga kable ng telecoms at cable TV na nasa 24 volt charge kum­para naman sa 220 voltage charge na gamit ng PECO.

Ang PECO ay nag-o-operate na lamang sa ilalim ng provisional autho­rity na inisyu ng ERC matapos hindi ito mabigyan ng legislative prangkisa ng Kongreso.

BUREAU OF FIRE PROTECTION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with