Air Force nurse pinatay ng construction worker
Danilo Garcia (Pang-masa) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang babaeng nurse ng Philippine Air Force ang nasawi matapos patayin sa saksak ng isang construction worker na nanloob sa kaniyang bahay kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si 2nd Lt. Jennet Beron Aguilar, 31. Habang agad naaresto ang suspek na si John Louie Brosas, 19 na kinasuhan ng robbery with homicide.

Sa ulat, kauuwi lang ni Aguilar sa kaniyang bahay at matutulog na sana nang makarinig ng kaluskos at pagkalabas ng kuwarto, ay naabutan nito na palabas din ng bahay ang suspek na si Brosas.

Nagbuno ang dalawa at pinagsasaksak ng suspek si Aguilar sa dibdib at tagiliran, na ikinasawi ng biktima.

Nabatid na nagtatrabaho ang suspek sa construction site malapit sa bahay ni Aguilar at lumabas din sa im­bes­tigasyon na magkakilala ang dalawa.

Inaabutan pa umano ng pera ng biktima ang suspek at pinapayagang makigamit ng kaniyang palikuran.

Ayon sa suspek, nagawa niyang pagnakawan ang biktima para magkaroon ng panghanda sa kaniyang kaarawan kahapon.

Kinuyog ng mga kapitbahay ang suspek nang matunton ng mga pulis na nagtatago sa isa pang ginagawang gusali.

PHILIPPINE AIR FORCE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with