Angkas driver, bebot tiklo sa shabu
Mer Layson (Pang-masa) - November 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang Angkas driver at kasabwat nitong babae ang naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy-bust operation sa lungsod, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga na­arestong suspek na sina Jomar Ocfemia, 34, ng Brgy. B. L Crame at kasab­wat na si Rhea Calumba, 24, ng Brgy. San Roque, Cubao, Quezon City.

Sa ulat, naaresto ang dalawa, alas-9:30 ng gabi sa isang joint buy-bust ope­ration sa 2nd Camarilla St., malapit sa 18th Ave., Brgy. San Roque, Cubao.

Nabatid na si Ocfemia ay dati nang naaresto ng PS 7 sa kasong pag-iingat at pagbebenta ng illegal na droga noong Nob­yembre 8, 2016 ngunit nakapag-avail ng plea bargaining sa Quezon City Regional Trial Court Branch 15, habang si Calumba naman ay isang drug surrenderee ng Brgy. San Roque.

Bago ang pag-aresto ay inilagay sa close monitoring ng mga otoridad at ng barangay officials ang mga suspek matapos na makatanggap ng ulat na bumalik ang mga ito sa kanilang ilegal na aktibidad kaya ikinasa ang buy-bust operation.

Nahulihan ang mga ito ng 24-pakete ng shabu, na nagkakahalaga ng P20,400; isang Honda Beat motorcycle, cellphone at buy-bust money.

ANGKAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with