Totoy hinabol ng aso, nabundol ng bus tigok
Jorge Hallare (Pang-masa) - November 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang 12-anyos na totoy matapos tumbukin ng isang bus makaraang biglang tumawid sa kalsada dahil sa takot na lapain ng asong humahabol naganap sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Brgy. San Rafael sa bayan ng Castilla, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot dahil sa matinding pinsalang tinamo ng katawan ang biktimang si Alfred Discaya Magallon, residente ng nasabing barangay.

Hindi naman nakilala ang driver at kasama nito ng nakabanggang bus na tumakas makaraan ang aksidente.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi ay binabaybay ng Eagle Star bus (AAl-1968) ang kahabaan ng highway na ga­ling Maasin, patungong Maynila nang pagdating sa palikong bahagi ay nabangga ang biktima na tumatakbo at biglang tumawid ng kalsada makaraang habulin ng aso.

Sinubukan pang isu­god ng mga residente sa Vicente Peralta Hospital ang biktima pero ideneklarang dead-on-arrival.

Nakita naman ng ilang residente ang hindi nakilalang driver at kamasa nito na itinigil ang kanilang bus malapit sa tulay at tumatakbong tumakas patungo sa hindi malamang direksyon.

ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with