Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Cordillera Region, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Butch Mangalao, Board member ng lalawigan ng Apayao at Police Corporal Rommel Gumidam, miyembro ng Apayao Provincial Police office at nakatalaga sa Calanasan Municipal Police Station (MPS).
Edd Gumban/File
Bokal, parak nilamon ng lupa
Joy Cantos (Pang-masa) - November 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang provincial board member at isang pulis ang nalibing nang buhay nang matabunan ng lupa ang bahay na pansamantala nilang sinilungan habang sa kasagsagan ng pag-ulan dulot ng bagyong Quiel sa Brgy. Dibagat, Ka­bugao, Apayao kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Cordillera Region, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Butch Mangalao, Board member ng lalawigan ng Apayao at Police Corporal Rommel Gumidam, miyembro ng Apayao Provincial Police office at nakatalaga sa Calanasan Municipal Police Station (MPS).

Sa ulat, bago nangyari ang insidente, alas-9:30 ng umaga sa Brgy. Dibagat, Kabugao, Apayao ay na-is­tranded ang mga biktima sanhi ng landslide sa kasagsagan ng mala­lakas na pagbuhos ng ulan sa lugar kaya nakisilong pansamantala sa bahay ni Mr. Padu Pugyao.

Dahilan sa matinding pagod ay pansamantalang naidlip ang mga biktima nang matabunan ng lupa ang bahay ni Pugyao na nakaligtas naman sa insidente matapos itong makatakbo palabas ng kaniyang bahay.

Nagsagawa ng search and retrieval operation at matapos ang ilang oras ay natagpuan ang bangkay ng dalawang biktima. 

Naitala naman sa 75 pamilya na binubuo ng 125 katao ang naapektuhan ng mga landslide dulot ng mga pag-ulan ang inilikas sa mga evacuation center sa mga apektadong barangay sa nasabing bayan.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with