Inieksamin ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang 6 na kilo ng shabu na kanilang nasabat sa bagahe ng isang Pinay worker galing Cambodia. Umaabot sa mahigit P40 milyon ang nasabing shabu.
Rudy Santos
Pinay worker sa Cambodia timbog sa P40.8 milyong shabu sa NAIA
Butch Quejada (Pang-masa) - November 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nadakip kahapon ang isang Pinay sa Ninoy Aqui­no International Air­port (NAIA) matapos siyang makuhanan ng 6 kilo ng shabu sa kaniyang bagahe.

Batay sa ulat, kaha­pon ng madaling araw nang salubungin ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suspek na si Marie Ruzol nang lumapag sa NAIA terminal 3 mula Cambodia. 

Nakasilid sa mga tea foil pack ang droga na aabot sa P40.8 milyon ang halaga.

“When it was subjected to x-ray scanning, our operatives found suspected items. It was subjected to 100 percent physical examination. These items were found,” ani Atty. Marlon Agaceta, law division chief ng BOC-NAIA.Nabatid na Nobyem­bre 5 nang umalis ng Pilipinas papuntang Cambodia si Ruzol, 8 taong nagtatrabaho bilang account ma­nager sa isang advertising agency sa Cambodia.

Ayon kay Ruzol, isang kapwa Pinay din umano ang nag-empake ng kaniyang gamit pero hindi ito sumama pauwi ng bansa.

Sinampahan na ng rek­lamong paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act at Customs Modernization and Tariff Act ang suspek.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with