Sa ulat, alas-9:25 ng gabi habang naglalagay ng bakod sa bakanteng lote sa harapan ng semen­teryo ng Eternal Garden­ si Ocares kasama ang mga nagbabantay na mga sekyu nang dumating si Sgt. Je­remias at walang kaabog-abog na pinagba­baril ang mga biktima.
File
Amok sa sementeryo: 3 todas
Jorge Hallare (Pang-masa) - November 1, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang sundalo ang nag-amok at namaril sa harap ng isang semen­teryo na ikinasawi ng dalawa katao at napatay din ito ng isang sekyu naganap kamakalawa ng gabi sa Zone 4, Brgy. Balatas, Naga City, Camarines Sur.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Moises Onoya, security guard ng Sto. Niño Memorial Garden; Ronald Ocares, construction worker pawang residente ng nasabing ba­rangay habang nabaril at nasawi rin ang suspek na si Sgt. Leo Vinas Jeremias, 40-anyos, kasapi ng 9th Infantry Battalion ng Phi­lippine Army at residente ng Brgy. Concepcion Pe­quena.

Nasugatan naman at dinala sa Bicol Medical Center ang mga security guard na sina Richard Lontok; Joseph Rey Pasit; at Eric Delos Santos.

Sa ulat, alas-9:25 ng gabi habang naglalagay ng bakod sa bakanteng lote sa harapan ng semen­teryo ng Eternal Garden­ si Ocares kasama ang mga nagbabantay na mga sekyu nang dumating si Sgt. Je­remias at walang kaabog-abog na pinagba­baril ang mga biktima.

Agad nasawi sina Onoya at Ocares at kahit na may tama ang ibang sekyu ay nagawa ng isa dito na makaganti ng pu­tok sa suspek na namatay noon din.

Sa inisyal na imbestigasyon ay lumalabas na alitan sa lupa ang dahilan nang pamamaril.

MOISES ONOYA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with