Nagpondo para mamuhunan ng karbon, iimbestigahan
(Pang-masa) - October 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magsasagawa ng imbestigasyon ang independent watchdog sa International Finance Corporation’s (IFC) sa ilulunsad nilang ‘compliance investigation’ sa papasok na World Bank Group member para sa kanilang pamumuhunan sa commercial bank, sa umano’y pag-’bankrolled’ ng ‘coal power boom’ sa bansa.

Makaraang makatanggap ng $254 milyon IFC funds, ang isang bangko na naging ‘key financier’ ng industriya ng karbon sa bansa, isa sa itinutu­ring sa buong mundo na pinakamahina sa ‘climate change,’ sa kabila ng 2013 World Bank mo­ratorium sa maraming kaso nang pagpopondo ng karbon.

Sa pamamagitan ng pagtatanong ay malalaman kung ang IFC ay lumabag sa ‘social and environmental rules’, kung kailan nakipag-partisipasyon ang kliyenteng bangko sa pag-utang ng daan-daang milyong dolyar upang magtayo o palawakin ang 11 coal-fired power plants.

Ang nasabing im­bestigasyon ay isina­gawa pagkaraan ng da­lawang taon matapos na maghain ng rek­lamong ‘class action style’ laban sa IFC sa CAO, ang mahigit sa 120 citizen groups at komunidad sa bansa.

INTERNATIONAL FINANCE CORPORATION’S
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with