Tirador ng motor, arestado
Danilo Garcia (Pang-masa) - October 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa selda ang bagsak ang isang 34-anyos na lalaki makaraang mahuli ng mga pulis na nakasakay pa sa ninakaw niyang motorsiklo, kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Nahaharap ngayon sa kasong carnapping ang suspek na si Fernando Bello Jr., binata, walang trabaho at nakatira sa Sitio Kabatuhan Compound 3, Brgy. Gen. T. De Leon, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Valenzuela City Police- Anti Carnapping Section, alas-5 ng umaga nang madiskubre ng biktimang si Aireen Loyola, 47, na nawawala ang kanyang Mitsukoshi Bonus X na motorsiklo na ipinarada niya sa tapat ng kanyang bahay sa may No. 6111 Lower Tibagan, ng natu­rang barangay.

Sa kanyang pagta­tanong, isang kapitbahay ang nakapagturo sa suspek na nakita niyang sakay ng naturang motorsiklo dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Agad na nagsuplong ang biktima sa mga tauhan ng Police Community Precinct 2 na nagkasa ng operasyon kung saan inabutan ng mga pulis ang suspek na nakasakay pa sa ninakaw na motorsiklo sa tapat ng kanyang bahay dahilan para agad siyang posasan at arestuhin.

CARNAPER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with