Sinabi ni Bello, sapat na ang anim na buwan para makita ang kakayahan ng isang empleyado para tuluyan itong mare­gular sa isang trabaho.
Edd Gumban/File
DOLE chief tutol sa 2 yrs. probationary
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinutulan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang panukalang batas ni Probinsyano Ako party-list Representative Jose Bonito Singson, Jr. na gawing dalawang taon mula sa anim na buwan ang probationary period ng isang empleyado.

Sinabi ni Bello, sapat na ang anim na buwan para makita ang kakayahan ng isang empleyado para tuluyan itong mare­gular sa isang trabaho.

Anya, sa anim na buwan ay makikita na ang pag-uugali sa trabaho ng isang empleyado at ito ang pagbabasehan kung tuluyan itong tatanggapin sa kompanya bilang regular employee.

Makikita rin dito ang working habits, integridad at kakayahan ng isang empleyado dahil sumasailalim na sa assessment.

Dito na ibabase kung dapat na tanggapin at gagawing regular employee.

Ginagalang nila ang panukala ni Singson, subalit masyadong mahaba ang dalawang taon na maaaring maabuso ng mga pasaway na employer.

DOLE SILVESTRE BELLO III
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with