Ayon sa pulisya, noong nakalipas na Pebrero ay sinalakay ang bahay ng nabanggit na vice mayor at amang si Batuan Mayor Charmax Jan Yuson sa Barangay Canvanez, Batuan, Masbate ng mga operatiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group-Region 5 kung saan nakuhanan sila ng iba’t ibang uri ng matataas na kalibre ng baril, mga bala at granada.
File
Masbate vice mayor itinumba sa Maynila
Ludy Bermudo (Pang-masa) - October 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang bise alkalde ng Batuan Ticao Island, Masbate habang sugatan ang dalawa niyang kasamang lalaki nang tambangan sila ng mga armadong kalalakihan na sakay ng isang van habang nag-aalmusal sa isang kainan sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.

Ang biktima na nasawi habang dinadala sa University of Sto. Tomas (UST) Hospital dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Charlie Yuson III.

Ginagamot sa nasabing ospital ang dalawa nitong kasama na sina Wilfredo Pineda, 44, may-asawa, ng no 100 Heroes Del 96, Caloocan City; at Alberto Alforte y Yuson, 23, binata, residente ng Batuan, Ticao, Masbate dahil sa mga tinamong bala.

Sa ulat, bago nangyari ang pamamaril sa mga biktima, alas-8:45 ng umaga sa Vicente G. Cruz St. sa pagitan ng Ramon Magsaysay Boulevard at Lardizabal St., Sampaloc, Maynila ay kumakain ng almusal ang mga ito sa karinderya sa VG Cruz St., nang dumaaan ang isang kulay gray na van na may plakang ACM-8804 at bumaba ang mga suspek at pinaulanan sila ng bala.

Nang bumagsak ang mga biktima ay suma­kay ang mga suspek sa kanilang van at tumakas sa direksiyon ng Ramon Magsaysay Blvd.

Ayon sa pulisya, noong nakalipas na Pebrero ay sinalakay ang bahay ng nabanggit na vice mayor at amang si Batuan Mayor  Charmax Jan Yuson sa Barangay Canvanez, Batuan, Masbate ng mga operatiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group-Region 5  kung saan nakuhanan sila ng iba’t ibang uri ng matataas na kalibre ng baril, mga bala at granada.

Dumalo rin ang nasabing bise-alkalde sa preliminary investigation sa Department of Justice, sa P. Faura St., Ermita, Maynila kaugnay sa nasabing kaso ng illegal possession of fire arms.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with