ID para sa POGO workers

Sa proposed ID para sa mga foreign POGO workers ay dapat nakalagay ang kanilang BID number, Tin Number, larawan, kaarawan, employment name at address ng kanilang opisina at address ng temporary residence.
AFP

MANILA, Philippines — Dapat anya ay mayroong identification card ID ang lahat ng mga trabahador ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Kaya’t oobligahin ni House Committee on Games and Amusements Vice-chairman at Ang Probinsyano party­list Rep. Ronnie Ong ang Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR).

Nabatid na nag-iisyu lamang ang PAGCOR ng Gaming Employment License (GEL) sa mga gaming industry employees maliban sa mga POGO workers na karamihan ay mga Chinese na nagkakahalaga ng P4,000 kada tao.

Sa proposed ID para sa mga foreign POGO workers ay dapat nakalagay ang kanilang BID number, Tin Number, larawan, kaarawan, employment name at address ng kanilang opisina at address ng temporary residence.

Makakatulong umano ang ID para sa mga immigration at law enforcers na matukoy kung sino ang ligal at hindi ligal na POGO worker. 

Show comments