Mister patay sa sumabog na charger

MANILA, Philippines — Patay na nang matagpuan ang isang 57-anyos na lalaki na umano ay nakuryente nang sumabog ang kanyang cellphone charger sa loob ng kanyang bahay sa Lal-lo, Cagayan.

Ang nasawi ay kinilalang si Rogelio Fontiveros, 57, nag-iisang namumuhay sa kanyang bahay sa Barangay Centro, Lal-lo.

Sa salaysay ni Virginia Hermasora na pinuntahan nito ang bahay ng biktima na kanyang kapatid matapos hindi umano makontak ng kanilang isa pang kapatid na si Rogelio Fontiveros na ibang bansa ang cell phone nito noon pang Biyernes ng gabi.

Pagdating ni Hermasora, dakong ala-1:45 ng hapon sa bahay ay naamoy niya ang mabahong bagay mula sa silid na kung saan ay nadiskubre ang bangkay ng biktima.

Sa isinagawang pagsusuri ni Dr. Visitacion Pablo, nasawi ang biktima matapos makuryente sa sumabog na charger ng kanyang cellphone na nakita pa ng mga otoridad na nakasaksak sa isang extension wire sa loob ng kanyang kuwarto.

Show comments