DOH bibigyan ng oral vaccine ang 5-anyos pababa laban sa polio
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health (DOH) na handa sila sa outbreak vaccination program bilang tugon sa pagbabalik ng polio sa bansa matapos ang 19 taon.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, lahat ng mga batang limang taong gulang pababa ay kaila­ngang mapatakan ng oral vaccine laban sa sakit na polio.

Maliban pa ito sa isang injection na ibibigay sa mga ito upang matiyak na kompleto ang bakuna na naibigay sa isang bata laban sa nasabing sakit.

Hinikayat ni Domingo ang publiko lalo na ang mga ina, na makibahagi sa outbreak vaccination program ng DOH upang maprotektahan ang kanilang mga anak laban sa polio.

Muli rin nitong hinimok ang publiko na kalimutan na ang “dengvaxia scare” kung saan isa ito sa mga itinuturong rason kung bakit mababa ang bilang ng mga nagpapabakuna sa bansa.

POLIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with