Ex-CIDG chief: Mga tiwaling pulis pinatutubos ng P50-M ang nahuhuling chinese drug lord

Ayon pa kay Maga­long, nagsagawa siya ng intelligence operations at case build-up tungkol sa napapaulat na iligal na gawain ng CIDG, National Capital Region Police Office (NCRPO) at Police Office Regional Office 3 at natuklasan niya na may mga “rogue elements” ang PNP na may mga “enterprise criminal minds”.
File

MANILA, Philippines — Umaabot umano sa P50-milyon ang hinihi­ngi ng ransom ng mga tiwa­ling pulis sa nahuhuli nilang Chinese drug lord.

Ito ang ibinunyag kahapon ni dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa pagharap nito kahapon sa pagdinig ng Senate committee on jus­tice and human rights tungkol sa nangyayaring katiwalian sa loob ng National Bilibid Prison.

Ayon pa kay Maga­long, nagsagawa siya ng intelligence operations at case build-up tungkol sa napapaulat na iligal na gawain ng CIDG, National Capital Region Police Office (NCRPO) at Police Office Regional Office 3 at natuklasan niya na may mga “rogue elements” ang PNP na may mga “enterprise criminal minds”.

Kalimitan aniya ay pinapaikot ng mga tiwa­ling pulis ang pinuno ng kanilang opisina sa mga buy-bust o illegal drug operations.

Kalimitan aniya ay nagsasagawa ng operas­yon ang mga tiwaling­ miyembro ng PNP na hindi nalalaman ng ka­nilang pinuno at kapag nakuha na nila ang target na high profile Chinese personality at ang ilegal na droga ay ididiretso ito sa  kanilang safe house kung saan ita­tago ang kabahagi nila ng nakumpiskang droga.

“Kung 100 kilos na droga ang nakumpiska, 30 kilos lamang ang ididek­lara at ang natira ay muling ibebenta sa merkado”, wika ni Magalong.

Idinagdag pa ni Maga­long na bukod dito, ang na­huling Chinese drug lord ay ipapatubos sa halagang P50 milyon saka mu­ling­ manghuhuli ng ibang Chinese drug personality upang ipalit sa kanya.

Kaya bukod sa kumita na sa droga ang mga tiwa­ling miyembro ng PNP ay kumita pa sila sa nahuling Chinese drug lord.

Show comments