CIDG dinakip ang ex-mayor sa korapsyon

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga elemento ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang dating alkalde na sangkot sa kasong anti-graft and corrupt practices act sa isinagawang ope­rasyon, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang nasakoteng suspek na si Alex Jajalla, 62, dating Mayor ng Mahinog, Camiguin, isang negosyante at residente ng Brgy. Hubangon, Mahinog, Camiguin.

Sa ulat, bandang alas-6:00 ng gabi nang masakote si Jajalla kaugnay ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 sa kasong Anti-Graft and Corrupt Practices Act base sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Theresa Dolores Gomez-Estoesta ng 7th Division, Sandiganbayan, Quezon City. Hindi na nakapalag si Jajalla matapos itong dakpin at posasan ng arresting team ng PNP-CIDG.

Show comments