5 bulagta, 25 huli sa buy-bust

Kinilala ni P/Col Chito Bersaluna, Bulacan police director ang mga napatay na suspek na sina Lolito Baluran ng San Jose del Monte City; Lester Alonzo ng San Ildefonso; Abdullah Disomnong ng Sta. Maria; John Vincent Santos ng Pulilan; at isang alyas “Rommel” ng San Rafael.
File

MANILA, Philippines — Bulagta ang limang sinasabing kilabot na ‘tulak’ ng droga habang 25 ang naaresto ng mga otoridad sa magkakahiwalay na drug-bust operation kahapon sa lalawigan ng Bulacan.

Kinilala ni P/Col Chito Bersaluna, Bulacan police director ang mga napatay na suspek na sina Lolito Baluran ng San Jose del Monte City; Lester Alonzo ng San Ildefonso; Abdullah Disomnong ng Sta. Maria; John Vincent Santos ng Pulilan; at isang alyas “Rommel” ng San Rafael.

Napatay si Baluran dakong alas-3:45 ng mada­ling araw at nabawi rito ang isang cal .22 pistol at 3 plastic sachet ng shabu; dakong alas-2:20 ng madaling araw nang tumimbuwang si Alonzo sa San Ildefonso, at nabawi rito ang isang cal.38 revolver at 5 plastic sachet ng shabu; si Disomnong ay napatay naman sa bayan ng Sta. Maria dakong alas-12:30 ng madaling araw, nabawi sa kanya ang 22 plastic sachet ng shabu at isang cal .45 pistol; todas naman sa bayan ng Pulilan dakong ala-1:45 ng madaling araw si John Vincent Santos, nabawi rito ang apat na plastic sachet ng shabu at isang cal .38 revolver; habang si Rommel ay napatay sa bayan ng San Rafael, Bulacan at nabawi rito ang 10 plastic sachet ng shabu at isang cal .38 revolver.

Samantala, narekober ang 44 na plastic sachet ng hinihinalang shabu sa 25 tulak sa magkakahiwalay na operasyon sa bayan ng Balagtas, Obando, Sta. Maria, Bustos, San Rafael, Baliwag at siyudad ng San Jose del Monte at Malolos.

Show comments