Ang nasawing biktima ay kinilalang si Barangay Carmen Kagawad Simeon Tarrayo, 51, na nagtamo ng tama ng bala sa katawan na agad nitong ikinasawi.
File
Kagawad tinodas, gunman patay din
Joy Cantos (Pang-masa) - September 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bago malagutan ng hininga ang isang barangay kagawad ay nakaganti ito ng putok at napatay ang isa sa apat na bumaril sa kanya sa naganap na ambush, kamakalawa ng hapon sa Calbayog City, Samar.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Barangay Carmen Kagawad Simeon Tarrayo, 51, na nagtamo ng tama ng bala sa katawan na agad nitong ikinasawi.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng gunman na napatay ni Tarrayo.

Sa ulat, bago naganap ang pag-ambush sa biktima, alas-4:56 ng hapon sa kahabaan ng Purok 1, Brgy. Dagum ay lulan ito ng motorsiklo nang sumulpot ang dalawang motorsiklo lulan ang apat na suspek at dinikitan ang biktima at pinagbabaril.

Sumemplang ang biktima sa kanyang  motorsiklo pero nagawa ring makabunot ng baril at naputukan ang isa sa mga armadong lalaki na umatake sa kanya.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek at iniwan ang kanilang kasama na tinamaan.

KAGAWAD KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with