Pulis pinatay sa lamay
Danilo Garcia (Pang-masa) - August 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malapitang binaril sa ulo ang isang aktibong pulis habang ito ay nakaupo sa isang lamayan sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na namatay noon din ay nakila­lang si Patrolman Ralph Aquino, 31, may-asawa, nakatalaga sa Taguig City Police Community Precinct 8 at nakatira sa Laura Drive, Ronggavilla Village, Brgy. Bagumbayan ng lungsod.

Sa imbestigasyon, bago naganap ang krimen dakong alas-10:00 ng gabi sa isang lamayan sa may Paso Street, Old Ce­metery ay sinundo ang biktima ng isang kaibigan na si alyas Toto sa isang bahay sa No. 173 ML Quezon Street, Brgy. Bagumbayan at sabay na nagtungo sa nasabing lamay.
Habang nakaupo ang biktima ay lumapit sa kanyang likuran ang suspek at walang sabi-sabing binaril siya sa ulo na dahilan ng agad niyang kamatayan. Tumakas agad ang suspek.

PATAY PULIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with