Ambush: Chairman todas, 3 sugatan
Raymund Catindig, Joy Cantos (Pang-masa) - August 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napatay ang isang barangay chairman habang tatlo nitong kasama ang nasugatan kabilang ang isang batang babae nang pagbabarilin ang kanilang sinasakyang van sa naganap na ambush, kamakalawa ng gabi sa highway ng Brgy. Bagabag, Sto. Tomas, Isabela.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Brgy. Captain Manuel Ramento, 40.

Nasugatan naman sina Kagawad Glenn Padre at ang mag-inang sina Noemi Gumtang, 26; at anak na si Althea Nicole, 6, pawang residente ng Brgy. Bubug.

Sa ulat, bago nangyari ang pananambang dakong alas-11:36 ng gabi sa kahabaan ng highway ng Brgy. Bagabag ay pauwi na sa kanilang mga tahanan ang mga biktima galing sa isang kapistahan sa Brgy. Centro nang paulanan sila ng bala.

Nang masiguro ng mga suspek na nadale nila ang target na chairman ay tumakas ang mga ito.

Narekober sa lugar ng SOCO ang 32 basyo na bala ng  M16 armalite. 

Inaalam pa sa imbestigasyon kung me kinalaman ang krimen sa illegal logging na sini­sita ng chairman sa kanyang lugar.

PAGBABARILIN ANG KANILANG SINASAKYANG VAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with