Drug suspek pinasok sa bahay, pinatay

MANILA, Philippines — Pinagbabaril at napatay ang isang lalaki na kilalang sangkot sa ilegal na droga sa kanilang lugar nang pasukin ito sa loob ng kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nasawi noon din ang biktima na kinilalang si Sai­lanie Tomimbang­, alyas “Nick”, nasa drug watchlist ng Pasay City Police,  habang malubhang nasugatan ang live-in partner nitong si Mannyleen Guinto, alyas “Maymay”, kapwa nakatira sa Lawaan Street, Block 16, Lot 20, Brgy. 145 Zone 16, ng naturang lungsod.
Isa sa suspek ay nakilalang si Hermenio Espedion, alyas “Bocayo”, ng  Block 26, Lot 4 habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa nitong  kasama.

Ayon sa pulisya, dakong alas-7:45 ng gabi nang makatanggap ng tawag ukol sa naganap na pamamaril sa lugar.

Nang dumating ang mga pulis ay nakita nila ang duguang si Tomimbang at Guinto na dinala sa ospital, subalit idineklarang dead-on-arrival ang una habang nasa kritikal na kalagayan ang babae.

Hinala ng pulisya na away sa droga ang motibo ng krimen.

Show comments