Ayon sa kaanak na si John Florencio Guce, nakatanggap sila ng tawag buhat sa isang hindi kilalang numero na nagpakilalang si Erlina at sinabing na-stranded sila sa China dahil sa isang bagyo. Naire-schedule naman umano ang kanilang connecting flight.
AFP
3 Pinoy senior citizens missing sa China
Danilo Garcia (Pang-masa) - August 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong Filipino senior citizens ang napaulat na nawawala ngayon sa China makaraang mag-stop-over sa naturang bansa patungo sa Pilipinas.

Ang mga nawawala ay sina Pacita Varela De Guzman, 77; Erlinda Varela Guce,72; at Josefina Varela Baysic, 71.

Nabatid na lumipad mula sa John F. Kennedy International Airport sa Amerika ang tatlo nitong Agosto 10 at naka-iskedul na lumapag sa Pudong International Airport sa China bago dumiretso sa Pilipinas.

Ayon sa kaanak na si John Florencio Guce, nakatanggap sila ng tawag buhat sa isang hindi kilalang numero na nagpakilalang si Erlina at sinabing na-stranded sila sa China dahil sa isang bagyo. Naire-schedule naman umano ang kanilang connecting flight.

Tsinek-in umano ang tatlong matanda sa isang hotel at sasagutin ng airline ang gastusin doon kabilang ang pagkain at matapos nito ay hindi na nila nakontak ang mga ito. 

Muli nilang tinawagan ang naturang numero ngunit sinabi ng may-ari ng telepono na nakitawag lang sa kanya si Erlinda at hindi na niya alam kung nasaan siya.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga kaanak na hindi sa Pudong International Airport lumanding ang eroplanong sinasakyan ng tatlong senior citizen kundi sa Wuhan Tianhe International Airport. 

Tinawagan din nila ang tanggapan ng airline company sa Shanghai na nagsabing wala silang rekord ng tatlong senior citizen na nag-check-in sa hotel.

Nakaiskedyul umano ang tatlong matanda na mga retiradong guro  na sumakay ng eroplano mula Wuhan patungo sa Pudong ngunit wala silang rekord na sumakay ng eroplano ang tatlo. Dito lalong nag-alala ang mga kaanak dahil sa hindi pagkontak sa kanila sa loob ng isang linggo nilang pagkawala.

 Nabatid din na sanay nang bumiyahe ang tatlo sa labas ng bansa at ito ang unang pagkakataon na magtungo sila sa New York na kanilang “dream destination.”

CHINA FILIPINO SENIOR CITIZENS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with