^

Police Metro

Manila Baragay Chairman dedo sa tandem

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 49-anyos na barangay chairman ang idineklarang dead on arrival matapos na pagbabarilin ng riding in tandem habang sakay ng kaniyang motorsiklo kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi dahil sa dalawang tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Alfredo Lansingan, chairman ng Barangay 161, Zone 14, ng NHA Room, no. 107 Dagupan Extension, Tondo, Maynila.

Mabilis na tumakas ang dalawang lalaking suspek na magkaangkas sa hindi naplakahang motorsiklo, kapwa nakasuot ng bull cap.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-9:30 ng umaga sa Dagupan St. panulukan ng Solis St., Gagalangin, Tondo, Maynila ay may tumawag sa cellphone ng biktima habang ito ay nasa barangay hall kaya’t nagbihis ito at umalis sakay ng kanyang motorsiklo para umano makipagkita sa taong nakausap sa cellphone at pagdating sa lugar ay doon na ito pinagbabaril.

Nabatid na isang linggo na umano ang nakalipas nang makatanggap ng death threat ang biktima.

vuukle comment

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with