Indoctrination ng pulisya at militar sa unibersidad

Ito ay matapos ang isinagawang imbestigasyon ng Senate Committee on Public Order kaugnay sa nawawalang mga estudyante na sumama sa left-leaning groups.
The STAR/Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Upang labanan ang brainwashing ng makakaliwang grupo sa mga estudyante para maging aktibista ay iginiit kahapon ni Sen. Ronald Dela Rosa na dapat payagan ng mga State Universities ang Colleges (SUCs) na magsagawa ng indoctrination ang pulisya at military.

Ito ay matapos ang isinagawang imbestigasyon ng Senate Committee on Public Order kaugnay sa nawawalang mga estudyante na sumama sa left-leaning groups.

“Meron silang polisiya roon na bawal pumasok ang pulis o military sa loob ng kanilang campus para ma-avoid daw ang militarisasyon in the guise of academic freedom daw. Pero hinahayaan nila yung mga komunista na mag-recruit ng mga kabataang menor-de-edad sa loob ng kanilang paaralan,” giit pa ni Dela Rosa.

May kasunduan ang University of the Philippines (UP) at League of Filipino Students kasama ang Department of National Defense na bawal ang pulis at sundalo sa campus ng walang pahintulot ng University administration.

“Malaki ang imba­lance ng pagpapabor, favored towards the left itong pag-iisip ng ibang mga eskwelahan na ito. Lalong-lalo na itong mga eskwelahan na gobyerno like PUP (Polytechnic University of the Philippines) and UP, dapat hindi ganito. They are using government resources and yet they are producing enemies of the state,” giit pa ni Dela Rosa.

“Makipag-usap [sila] sa mga bata. Kung anong indoctrination na ginagawa ng mga komunista doon sa loob, dapat merong indoctrination din yung maka-gobyerno para pantay, magkakaroon tayo ng race. Dapat bibigyan din ng kalayaan ang ating kasundaluhan at kapulisan na makipaghalubilo at magbigay ng kuro-kuro sa mga estudyante doon sa loob at magkakaroon tayo ng race kung sino ang makukumbinsi, mas maraming ma-recruit. Papunta ba sa NPA (New People’s Army) o papunta sa military o sa pulis?” sabi pa ni Sen. Bato.

Show comments