Baby nahulugan ng durian sa mukha, kritikal

MANILA, Philippines — Nasa malubhang kalagayan ngayon sa pagamutan ang isang 25-day old na sanggol matapos mabagsakan ng bunga ng durian sa mukha nitong nagdaang Huwebes sa Brgy. Tabara sa Malabang, Lanao Del Sur.

Sa salaysay ng ina ng bata na si Janna Bangnoraida, habang nagpapahinga umano sila sa loob ng kanilang bahay kubo ng kanyang sanggol na si Baby Abdul Bari dakong hapon noong Huwebes nang big­lang humangin nang malakas at nahulog ang isang bunga ng durian sa kanilang bubungan at lumagos ito na aksidenteng nahulog nang diretso sa mukha ng kanyang anak.

Mabilis namang isinugod sa pinakamalapit na ospital sa Malabang ang sanggol, ngunit dahil sa nagtamo ito ng matinding pinsala sa mukha ay agad din itong inilipat sa Ozamis Area.

Patuloy na inoobserbahan sa pagamutan ang maselang kalagayan ng sanggol.

Show comments