Aplikasyon para sa pagpapatitulo ng lupa pwede na sa barangay

MANILA, Philippines — Batay sa ipinalabas ni Environment Secretary Roy Cimatu na Department Administrative Order (DAO) No.2019-08 na nag-uutos sa lahat ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) at Community Environment and Natural Resource Office (CENRO) na tanggapin na ang aplikasyon ng lupa sa mga barangay.

Inatasan ni Cimatu ang Land Management Bureau (LMB) ng DENR na magbigay ng patnubay at technical assistance upang matiyak na magiging maayos ang pagtanggap ng aplikasyon para sa public land titling sa barangay level.

Sa pamamagitan ng naturang DAO ay mapalalapit na sa publiko ang pagpapatitulo dahil dadalhin na ito sa kanilang mga barangay.

Ang bawat barangay naman ang magsusumite sa DENR ng aplikasyon para aksiyonan ng ahensiya.

Show comments