^

Police Metro

Maging milyonaryo sa pagtatanim ng puno

Pang-masa

MANILA, Philippines — Maari ka nang maging milyonaryo habang tumutulong ka sa pagsagip ng ating kagubatan sa pamamagitan ng pagtaguyod sa pinakabagong promosyon ng GCash.

Ito ang paglikom ng 400 green energy points na katumbas ng isang entry na mag­bibigay ng pagkakataon sa bawat GCash subscribers na manalo ng dalawang mil­yong pisong cash.

Sa bagong feature ng popular na virtual wallet ay maaari ka nang mag-am­bag ng iyong tulong sa pagtatanim ng mga puno sa Ipo watershed sa Norzagaray, Bulacan na bahagi ng isang watershed system na nagsusuplay ng tubig sa halos buong Metro Manila.

Sa programang ito na itinaguyod ng Department of Environment and Natural Resources, World Wildlife Fund at Biodiversity Finance Initiative; ang bawat transaksiyon ay isang paraan ng pagtulong upang mapalago ang kagubatan ng bansa habang dinadagdagan mo ang iyong Green Energy points.

Sa pamamaraan na ito, nakakatulong ka na sa pagsagip ng ating kagubatan nang hindi mo na kailangang iwanan ang iyong bahay o trabaho habang nagtatanim ka ng puno sa paraan na ito ng GCash.

Bilang isang virtual donor, makatatanggap ka ng certicate of ownership na may serial number ng puno sa bawat punong itinataguyod mo sa paggamit ng application ng GCash sa inyong mga cellphone.

Kaya’t ano pa ang hinihintay niyo, uga­liing gamitin ang GCash sa inyong pang araw-araw na transaksiyon.

vuukle comment

GCASH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with