^

Police Metro

Angkas sa motor patay sa van

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang backrider na si Robiner Manaois, 39, may-asawa, ng Daang Bato St., Brgy. Lawang Bato,Valenzuela City matapos magulungan ng van kahapon ng madaling araw sa nasabing lungsod.

Isinugod naman sa Valenzuela City Medical Center ang rider ng Yamaha Crypton motorcycle (6344 GO) na si Romulo Catinoy, ng Libis Street, Brgy. Canumay East at ang tsuper ng Kawasaki tricycle (UX 6821) na si Romulo Pendado, 77, ng Bignay, Valenzuela City.

Sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling araw sa East Service Road, Brgy. Canumay East ay binabagtas ng motorsiklo ni Catinoy at isang Fuso Aluminum wing van (CAO-6707) na minamaneho ni Jimmy Marvilla ang nasabing kalsada.

Nang magtangkang mag-overtake ni Catinoy at bumulaga sa kabilang lane ang tricycle na minamaneho ni Pendado dahilan para mabundol ang motorsiklo na pumailalim sa van at nasagasaan sina Catinoy at Manaois.

Ang dalawa ay  dinala sa pagamutan ngunit binawian ng buhay si Manaois dahil sa tindi ng pinsala na natamo.

 

vuukle comment

ANGKAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with